^

Police Metro

4 patay, 5 kritikal sa road mishap

Joy Cantos, Omar Padilla - Pang-masa
4 patay, 5 kritikal sa road mishap
Ayon kay P/Lt. Col. Rizalino Andaya, hepe ng Bocaue Police Station, bago naganap ang aksidente, alas-12:30 ng tanghali ay mabilis na binabagtas ng itim na Mitsubishi Estrada (PTI-890) na minamaneho ni Fernando Roxas, 67, ng Florante st. Brgy. Panginay, Balagtas, Bulacan nang salpukin ang isang motorsiklo na papuntang Maynila.
File

8 sasakyan inararo ng pick-up...

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang dalawang babae at isang lalaki habang namatay sa ospital ang isa pang lalaki habang lima ang malubhang nasugatan matapos na masalpok ang kanilang sinasakyan ng isang rumaragasang pick-up truck, kahapon ng tanghali sa Brgy. Biñan 1st. Bocaue, Bulacan.

Ang mga nasawi noon din ay kinilalang sina Ricardo Sumagang, 29; misis nitong si Maria Irene, 31; Joan Deso, 34; at Rener Reyes, 41, na namatay habang ginagamot sa Dr. Yanga Hospital.

Ang mga nasa malubhang kalagayan ay sina Allan Salonga, 36; Mike Denyega, 34, Rojan Mandapat, 29; Darwin Reyes, 28 at Edison San Gabriel.

Ayon kay P/Lt. Col. Rizalino Andaya, hepe ng Bocaue Police Station, bago naganap ang aksidente, alas-12:30 ng tanghali ay mabilis na binabagtas ng itim na Mitsubishi Estrada (PTI-890) na minamaneho ni Fernando Roxas, 67, ng Florante st. Brgy. Panginay, Balagtas, Bulacan nang salpukin ang isang motorsiklo na papuntang Maynila.

Sa halip umanong huminto ay tinakbuhan pa ng drayber upang tumakas dahilan para mawalan ng preno at sinuwag ang kasalubong na apat na motorsiklo na kung saan ay isang babae at isang lalaki na sakay nito ang nasalpok na agad nilang ikinamatay.

Pagkatapos ay nasalpok ang dalawang tricycle na kung saan isang babae na sakay dito ang namatay noon din.

Bago tuluyang tumaob ang pick-up truck ay nasalpok din ang nakaparadang Mitsubishi Adventure at isang Toyota Revo.Tanging galos lang ang natamo ng driver ng pick-up truck na inaresto ng mga otoridad.

vuukle comment

RICARDO SUMAGANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with