^

Police Metro

Babae sinalvage sa Taguig City

Danilo Garcia - Agence France-Presse

MANILA, Philippines — Isang hindi pa nakikilalang bangkay ng babae na may tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang natagpuang nakabulagta kahapon ng madaling araw sa isang kalsada sa Taguig City.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa pagitan ng edad 35 hanggang 40,may taas na 5’1” hanggang 5’3”,mahaba ang buhok,nakasuot ng pulang blusa, itim na maong na pantalon at may dalang gray na shoulder bag.

Sa ulat ng Taguig City Police, alas-6:00 ng umaga nang makatanggap ng tawag sa isang concerned citizen ukol sa natagpuang bangkay sa bahagi ng C-6 Road sa Brgy. Sta. Ana.

Rumesponde ang mga pulis at kinordonan ang crime scene.

Malaki ang hinala ng pulisya na ang biktima na sinalvage ay maaaring sa ibang lugar pinatay at doon lang iniwan upang iligaw ang mga otoridad sa pag-iimbestiga.

vuukle comment

SALVAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with