^

Police Metro

Buy-bust: Pusher utas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay ang drug suspek na si Henry Bargamento, alyas Toto, nasa 35-40, residente sa isang barung-barong sa tabi ng estero ng Fugoso St., Sta. Cruz, Maynila ma­tapos umanong manlaban sa isinagawang drug buy-bust operation, kamakalawa ng alas-2:35 ng hapon.

Sa ulat, nagsagawa ng operasyon laban sa suspek ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at na­ka­bili ang poseur buyer ng halagang P200 shabu, sa hindi kalayuan ay naka­antabay ang mga kasama­hang operatiba.

Natunugan ng suspek na may mga kasama ang poseur buyer kaya nagta­takbo sa barung-barong na nauwi sa habulan hanggang sa magtago sa loob ang sus­pek, subalit sinalubong umano ng mga putok ang mga pulis.

Gumanti ang mga pulis ng putok na ikinasugat ng suspek na bagama’t nadala sa ospital ay namatay din ito.

Narekober sa crime scene ang 9 MM na baril ng suspek at 8 sachet ng shabu na may timbang na 5.7 gramo.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with