^

Police Metro

Misis ng aktor arestado sa estafa

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nakapalag nang arestuhin ng mga tauhan ng Makati City Police ang misis ng aktor na si Matt Evans dahil sa kinakaharap na kasong estafa habang nasa loob ng Makati City Hall, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang inaresto na si Riza Katrina Favis Evans, 32, negosyante, ng Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:30 ng hapon nang ihain ng mga tauhan nang Warrant and Subpoena Section ng Makati City Police ang warrant of arrest laban sa ginang habang nasa ika-14 na palapag ng Makati City Hall Building sa may Brgy. Poblacion.

Nabatid na nahaharap si Evans sa kasong estafa na nakasampa sa Makati City Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 66 ni Judge Clemente M. Clemente.

Sa rekord ng korte, noong Oktubre 2017 nabatid na nakatangay si Evans ng P2-milyon na investment buhat sa isang Arran Lester Galvan nang para sa produksyon ng pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral” nang magpakilala ang suspek na konektado sa TBA Studios na siyang nagpo-produce nito.

Agad din namang naka­laya si Evans nang magpiyansa ng P30,000 na itinakda ng korte habang dinidinig ang kaso.

vuukle comment

ESTAFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with