^

Police Metro

Ex-pulis at aktibong pulis, nagbarilan

Joy Cantos - Pang-masa
Ex-pulis at aktibong pulis, nagbarilan
Sa ulat, bago naganap ang barilan ng dalawa, bandang alas-8:30 ng gabi sa harapan ng isang tindahan sa Brgy. Ma­yapa, Calamba City ay kalalabas lang ng kampo ni Gonzales na nagmamaneho ng motorsiklo nang magbanggaan sila ni Velasco na nagmomotor din.
File

Away-kalsada…

MANILA, Philippines — Nagbarilan ang isang dating pulis at aktibong pulis matapos na magbanggaan ang kanilang motorsiklo sa naganap na road rage na ikinasawi ng isa sa kanila naganap sa highway ng Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna.

Kinilala ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Eleazar Matta ang nasawi na si Police Lt. Ramil Gonzales, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nagsasanay sa Officers Basic Course (OBC sa National Police Training Institute (NPTI) sa Camp Vicente Lim, Calamba City.

Nasa kritikal namang kondisyon ang nakabarilan nito na si Jujardin Velasco, isang retiradong pulis na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib at isa sa kaliwang balikat.

Sa ulat, bago naganap ang barilan ng dalawa, bandang alas-8:30 ng gabi sa harapan ng isang tindahan sa Brgy. Ma­yapa, Calamba City ay kalalabas lang ng kampo ni Gonzales na nagmamaneho ng motorsiklo nang magbanggaan sila ni Velasco na nagmomotor din.

Kapwa bumagsak ang dalawa sa kanilang sinasakyang motorskilo at nang bumangon ay kapwa bumunot ng baril at nagbarilan sa gitna ng kalsada.

Kapwa bumulagta ang dalawa na dinala sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival si Gonzales habang nasa kritikal na kalagayan si Velasco.

vuukle comment

NAGBARILAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with