^

Police Metro

7 ‘missing’ sa Pasay, dawit sa droga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na may kinalaman sa droga ang pagkawala ng pitong kabataan na umano’y kinidnap sa lungsod ng Pasay.

Ito ang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director  Police Brig. Gen. Debold Sinas habang nilinaw niya na ito ay base sa update na pito lamang at hindi siyam ang kabataang missing sa Pasay City batay na rin sa beripikasyon ng pulisya.

Sa report ni Pasay City Police Chief Police Colonel Bernard Yang sa pitong kabataang kumpirmadong nawawala ay apat sa mga ito ang konektado sa iligal na droga.

Ayon sa mga opisyal, posible umanong hindi nakapag-remit ng kanilang pinagbentahan ang mga kabataang ginagamit na courier ng droga ng mga drug syndicates.

Samantalang may posibilidad rin aniyang nagsisipagtago lamang ang nasabing mga kabataan upang hindi ang mga ito matunton ng mga sindikato ng droga.

Nabatid pa na tatlo sa mga missing na kabataan ay sinasabing nag-o-online selling ng iligal na droga subalit inaalam pa ng mga imbestigador kung anong uri ng droga ang ibinebenta ng mga ito at kung bakit ang mga ito nawawala.

Sinabi pa ni Sinas na posibleng ginagamit ng nasabing mga kabataan ang social media upang dito makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga pamilya kaya’t hindi na iniuulat sa pulisya ang sinasabing pagkawala ng mga ito.

Sa panig ni Yang, sinabi nito na mismong ang mga pamilya at kamag-anak ng mga nawawalang biktima ang umamin na sangkot ang ilan sa mga ito sa illegal na transaksyon ng droga.

vuukle comment

DEBOLD SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with