^

Police Metro

500K inilikas sa bagsik ni Tisoy

Joy Cantos - Pang-masa
500K inilikas sa bagsik ni Tisoy
Nahirapan ang pampasaherong jeep na ito na makaalpas sa kalsada sa pag-iwas sa natumbang poste nang mabuwal dahil sa malakas na hangin dulot ng pananalasa ng bagyong Tisoy sa Brgy. Binubusan, Lian, Batangas, kahapon.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Pumalo na sa halos 500,000 residente mula sa Bicol Region, Visayas Region, at Luzon ang naapektuhan sa pananalasa at bagsik ng bagyong Tisoy, habang apat ang iniulat na nasawi at lima ang sugatan, ayon sa pinagsamang ulat ng pulisya , Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Coordina­ting Council (NDRRMC) nitong Martes.

Naitala sa 89,973 pamil­ya o kabuuang 358,958 katao ang apektado ng bagyo sa Bicol Region na nasa loob at labas ng mga evacuation center habang walang kuryente sa malaking bahagi ng Albay, Catanduanes, Sorsogon at Camarines Sur.

Nasa 12,638 pamilya o kabuuang 41,058 058 katao ang nasa mga eva­cuation centers partikular na mula sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas at Quezon. Karamihan ng evacuees sa Region IV A ay mula sa Quezon na aabot sa 32,703.

Sa MIMAROPA, aabot naman sa 4, 434 pamilya o katumbas na 18, 446 katao ang inilikas partikular na mula sa mga lalawigan ng Marinduqe, Romblon, Oriental at Occidental Mindoro.

Apat naman ang iniulat na nasawi na sina Marco Paulo Ursua, 33-anyos matapos makuryente sa Libmanan, Camarines Sur dakong alas -10 ng umaga nitong Lunes, habang dakong alas-4:30 naman ng hapon ay nasawi rin si Joel Beledio, 38, obrero, matapos na mabagsakan ng malaking sanga ng puno ng Gemelina na itinumba ng malakas na hangin sa Ormoc City, Leyte.

Samantalang kinumpirma naman ni Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor, dalawa ang patay sa kanilang lalawigan, isa rito ay 59-anyos na mister na nadaganan ng sanga ng nabuwal na punong kahoy sa bayan ng Baco at isa pa sa bayan naman ng Pinamalayan na nabag­sakan ng debris sa loob ng kanilang bahay.

Sugatan naman ang da­lawa na mula sa Polangui, Albay na kinilala ang isa sa mga ito na si Bien Paul Panis, 35, na nadaganan ng nabuwal na puno habang ang tatlong iba pa ay mula naman sa lalawigan ng Samar sa Visayas Region.

Kinilala naman ang nawawala na si Dioluo Agam, 27, na nilamon ng malakas na ragasa ng ilog sa Brgy. Quinatuyan, Maayon, Capiz dakong alas-5:20 ng hapon.

Sa kasalukuyan, patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng lokal na pamahalaan sa mga naapek­tuhang residente.

vuukle comment

BAGYONG TISOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with