^

Police Metro

3 bebot tiklo sa P.5-M shabu

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang iwanan hanggang sa kulungan ang tatlong magkakatropang bebot matapos masakote ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation at makumpiskahan nang halos nasa P.5-milyong halaga ng shabu sa Brgy. Molino 7, Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasakoteng suspek ay sina Mary Jane Salvador, 41; Marivic Oligario, 41; at Maria Lourdes Tabal, 42-anyos; pawang nasa drug watch list ng pulisya.

Sa ulat ng Bacoor City Police, dakong alas-4:30 ng hapon nang ikasa ang operasyon laban sa tatlo sa naturang lugar kung saan isang pulis ang tumayong buyer at nang magpositibo ang transaksyon ay dito na inaresto ang tatlo.

Nakuha mula sa tatlong suspek ang anim na selyadong plastic sachet ng naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 60 gramo na may katumbas na halaga na P.5-milyon.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with