^

Police Metro

Grab driver tinodas ng pasahero

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binaril sa ulo ang isang grab driver ng kanyang pasahero na nagpa-book sa kanya kahapon ng mada­ling araw sa Quezon City.

Ang biktima na namatay noon din sa kanyang driver seat ay nakilalang si Henrich Villarosa Escudero, 33.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang makita ang biktima na duguang nakalugmok sa driver’s seat ng minamanehong Toyota Vios at may tama ng bala ng baril sa likuran ng ulo.

Unang inireport sa QCPD Traffic Sector 3 na sumalpok ang minamanehong sasakyan ng grab driver sa kongkretong barrier habang binabaybay nito ang kahabaan ng Katipunan Ave., at nag-U Turn sa harap ng MWSS patungong CP Garcia Avenue sa lungsod.

Isinugod ang biktima sa Quirino Medical Center, subalit idineklara itong dead-on- arrival bandang alas-6:07 ng umaga.

Agad na ipinagbigay alam ng QCPD Traffic Sector 3 sa CIDU na hindi sa pagkakabangga ng sasakyan ang ikinamatay ng driver kundi binaril ito sa ulo.

Nakita ng mga otoridad sa cellphone sa sasakyan ng biktima ang pangalan ng huling pasahero nito sa pamamagitan ng Grab account at Facebook account logged na posibleng suspek sa pagpatay sa driver.

vuukle comment

GRAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with