Chinese nahulog mula sa ika-18 palapag ng gusali
MANILA, Philippines — Isang 21-anyos na Chinese ang nasawi nang ito ay bumagsak mula sa ika-18 palapag ng tinutuluyang condominium sa Malate, Maynila.
Ang nasawi ay kinilalang si Song Yongxing, tubong Guangdong, China at pansamantalang nanunuluyan sa Unit 1868 Green Residences sa Taft Avenue, Malate.
Sa ulat, nangyari ang insidente, dakong alas- 3:15 ng hapon na kung saan ay nasa terasa ang biktima nang ito ay mahulog sa ground floor.
Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy kung nagpatiwakal o may foul play sa insidente.
- Latest