^

Police Metro

4 miyembro ng Panday Sining, inaresto sa bandalismo

Doris Franche-Borja - Pang-masa
4 miyembro ng Panday Sining, inaresto sa bandalismo
Sa imbestigasyon ng MPD-General Assignment and Investigation Section, alas-5:30 ng hapon nang arestuhin ang apat sa kahabaan ng Plaza del Carmen St., sa harapan ng San Sebastian St., sa aktong nagba-vandal sa poste ng LRT sa kahabaan ng Recto Avenue.
SAKA Facebook page

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang apat na mi­yembro ng Panday Si­ning matapos mahuling nagba-bandalismo sa isang plaza habang ginugunita ang kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, kamakalawa.

Ang mga inaresto ay kinilalang sina Jeanne Vaughn Nico Quijano, 24; Joven Francis Laura, 24, post graduate student ng Dela Salle  University; Mijhail Collado,18, binata, 4th year college student ng St.Benilde at isang menor de edad, pawang nakatira sa #864 Tres Marias St., Blumentritt kanto ng España St., Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon ng MPD-General Assignment and Investigation Section  (MPD-GAIS), alas-5:30 ng hapon nang arestuhin  ang apat  sa kahabaan ng Plaza del Carmen  St., sa harapan ng San Sebastian  St., sa aktong nagba-vandal  sa poste ng LRT sa kahabaan ng  Recto Avenue.

Nang sila ay huhulihin ng mga operatiba ay nanlaban ang mga ito at itinulak pa ang mga operatiba kaya sila ay dinala sa presinto upang maim­bestigahan.

Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong Malicious Mischief, R.O. 797 (Resisting Arrest) & R.O. 1600 (Interferring Police Duties).

vuukle comment

PANDAY SI­NING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with