Duterte hindi kayang litisin ng ICC
MANILA, Philippines — Kahit pa sa loob ng libong taon ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya kayang litisin ng International Criminal Court (ICC) dahil sa drug war.
“You know, we have repudiated the International Criminal Court. And I said, you cannot prosecute me for a thousand years,” wika ni Pangulong Duterte kamakalawa sa Bonifacio Day.
Si Pangulong Duterte ay inireklamo ng crimes against humanity kaugnay sa drug war.
“Kayong mga abogado, wala man kayong makitang extrajudicial killing. There’s no such a crime as extrajudicial killing. They will individually count the dead and charge it to you. O ‘di sige tingnan natin,” sabi pa ng Pangulo.
Kinuwestyon din ng Pangulo ang legalidad ng ratification ng Rome Statute dahil hindi naman ito nalathala sa Official Gazette, kaya hindi ito naging batas.
“Ako 75 lang grades ko pero I’d love to have a debate with these idiots. I hope someday. Ipakita ko sa kanila kung paano sila naging bobo. Totoo. Kaya huwag kayong matakot diyan sa mga kaso-kaso. Hindi ‘yan marunong pagdating niyan sa korte, sayaw-sayawan ko pa ng Pandanggo ‘yan,” hamon pa ng Pangulo.
- Latest