^

Police Metro

Holdaper napatay ng rumespondeng pulis

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang holdaper ang nasawi makaraang makipag-agawan at makipambuno ng patalim sa pulis nang makitang hinoholdap ang isang babae  na mamamalengke sana sa Balintawak Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang hindi pa nakila­lang holdaper ay nasa edad 25-30, may taas na 5’4. slim built, nakasuot ng itim na face mask, puting t-shirt at checkered short pants.

Ayon sa biktimang si Katherine Jane Valdez, 34, ng Ilocos St., Brgy. Bago Bantay, QC, dakong alas-8:15 ng gabi ay naglalakad siya patungong Balintawak Market sa Edsa Balin­tawak north bound nang dikitan ng suspek at tutukan ng patalim at hinablot ang kanyang bag.

Humingi ng saklolo ang biktima at nagkataon namang nagroronda ang mga pulis na sina Corporals  Greggy Albay, Michael Bilar, Sharol De Vera at Benjamin Bongolan ng Traffic Enforcement ng Northern Police District (NPD) at hinabol ang suspek.

Nang makorner ang holdaper sa harap ng isang tindahan sa Bgry. Apolonio Samson ay inundayan nito ng saksak si Cpl. Bilar, subalit nagmintis hanggang mag-agawan at magpambuno ang dalawa.

Kaya’t bumunot na ng baril si Cpl. Albay at pinaputukan ang holdaper na tinamaan ng bala ng baril sa ulo na siya nitong agarang ikinamatay.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with