^

Police Metro

ACT-CIS pinuri si Mayor Isko

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa mabilis na aksyon at pagtugon Person With Disability (PWD) ID na unang ibinunyag ni ACT-CIS Partylist Cong. Eric Yap ay pinuri nila si Manila Mayor Isko Moreno sa pagdakip sa mga suspek.

Ayon kay Cong. Yap, umaksiyon na si Yorme Isko, kailan naman kaya tutugon ang ibang lungsod para sugpuin ang pamemeke PWD IDs sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ng mambabatas, talamak ang pamemeke ng PWD IDs na ginagamit para makakuha ng discount at iba pang benepisyo.

Nananawagan si Cong. Yap sa mga kasamahan nito sa Kongreso na dinggin na ang sinumite niyang House Resolution 454 para silipin muli ang RA 10754 na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga namemeke ng mga dokumento, tulad ng PWD ID.

Unang ibinunyag ni Cong. Yap ang pagkalat ng mga PWD ID noong may nakasabay itong kumakain sa isang restaurant na puro may PWD ID pero wala naman silang mga kapansanan.

“Nagtatawanan sila ng makita ang discount na nakuha nila. Nasundan pa ito ng isang restaurant owner ang nagpadala sa ACT-CIS office ng pictures ng anim na PWD IDs ng isang pamilya na mukha namang walang mga disability, taliwas sa sinasabi nila sa IDs nila. Visual disability pero walang salamin. Hearing disability pero normal na normal ang pakikipag-usap”, pahayag pa ni Cong. Yap.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with