^

Police Metro

Hostage drama sa bus: Suspek todas sa parak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang hostage taker ang napatay ng mga pulis habang nailigtas naman ang 10-anyos na batang lalaki sa naganap na tatlong oras na hostage drama sa loob ng isang pampasaherong bus sa Surigao City, Surigao del Norte nitong Biyernes .

Sa ulat ni CARAGA Police Director Police Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr., kinilala ang napatay na hostage taker na si Michael Gallera, 40 taong gulang, residente ng Valencia City, Bukidnon.

Bandang alas-11 ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng isang pampasaherong bus sa Brgy. Lipata, Surigao City.

Ayon kay Esquivel ang 10-anyos na bata ay kasama ng kanyang lola na kabilang sa mga pasahero ng bus ng Surigao Transport Bus na biyaheng Manila.

Armado ng ice pick ay bigla na lamang sinunggaban ng suspek ang bata na hinostage nito sa loob ng bus matapos na huminto ang behikulo sa bahagi ng highway ng Brgy. Lipata.

Nagresponde naman ang mga operatiba ng pulisya subali’t sa kabila ng tatlong oras na negosasyon ay tumangging pakawalan ang bata habang nakatutok ang ice pick sa leeg ng umiiyak na biktima.

Dito’y ‘di na nag-ak­saya ng pagkakataon ang mga pulis at binaril ang hostage taker na siya nitong ikinamatay.

vuukle comment

HOSTAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with