Robredo walang alam, ‘wag kang tumakbo - Duterte
MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na huwag nang tumakbong Pangulo ng bansa dahil wala umano itong alam.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa eksklusibong panayam ng isang kilalang news agency sa bansa.
“’Wag ka (Robredo) tumakbong presidente, wala ka talagang alam,” sabi ng Pangulo.
Nagbabala rin ang Pangulo sa mga mamamayan na “madidisgrasya” kapag si Robredo ang naging Pangulo.
“Disgrasya kayo pag si Leni ang… subukan n’yo,” pahayag ni Duterte.
Inamin din ng Pangulo na sinibak niya sa puwesto si Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) dahil hindi nito nagustuhan ang ginawang pakikipag-usap sa maraming bansa at organisasyon kabilang na ang US, United Nations at Commission on Human Rights.
“’Yung ayaw ko is, ‘yung pupunta ka sa America..., you should have convened all the barangay captains, all the mayors, all the guys connected with the rehabilitation on the rural, urban level,” dagdag ni Duterte.
- Latest