^

Police Metro

5 patay sa sunog

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang katao ang nasawi sa magkakahiwalay na naganap na sunog sa mga lungsod ng Bacolod, Bacoor at Olongapo, kamakalawa ng gabi hanggang nitong madaling araw at kahapon ng umaga.

Iniulat ng Western Visayas Police dakong alas-5:20 ng umaga kahapon nang tupukin ng apoy ang isang bahay sa Purok Sigay, Brgy. 2 , Bacolod City, Negros Occidental na ikinasawi ng biktimang si Renier Macapal, 5, nang ito ay makulong habang natutulog sa loob ng kanilang bahay.

Namatay naman sa sunog nitong Miyerkules ng gabi at Huwebes ng madaling araw ang tatlo katao kabilang ang  dalawang menor de edad matapos na tupukin ng apoy ang isang residential area sa Brgy. Barreto, Olongapo City.

Ang sunog ay tumagal ng 40 minuto na ikinasawi ng mga biktimang sina JM Aquino, 10; Yvette Bucad, 14. Habang nasawi rin sa Brgy. East Tapinac si Jonel Fernandez matapos na ma-trap sa loob ng kanilang tahanan nitong Miyerkules ng gabi. Sa lalawigan ng Cavite, naganap ang sunog sa Gardenia Valley, Brgy. Molino 3, Bacoor City bandang alas-12:42 ng madaling araw na ikinasawi ng 59-anyos na si Inigunda Quiniquini, may kapansanan.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with