^

Police Metro

Pulis dedo sa granada, suspek napatay

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa
Pulis dedo sa granada, suspek napatay
Batay sa report, bago nangyari ang pagsabog, dakong alas-11:20 ng tanghali ay nag-amok ang suspek na si Basher sa sa nasabing kolehiyo na matatagpuan sa Brgy.Jampason, Initao ng lalawigang ito.
File

MANILA, Philippines — Patay ang pulis na si P/Master Sergeant Jason Magno na nasabugan ng granada na ihahagis ng suspek na si Ebrahim Ampaso Basher, 65 ng Madamba, Lanao del Norte sa loob ng isang school campus na ikinasugat ng 11 katao na karamihan ay mga estudyante kahapon ng tanghali sa Initao, Misamis Oriental.

Batay sa report, bago nangyari ang pagsabog, dakong alas-11:20 ng tanghali ay nag-amok ang suspek na si Basher sa sa nasabing kolehiyo na matatagpuan sa Brgy.Jampason, Initao ng lalawigang ito.

Nagresponde ang mga operatiba ng pulisya sa pangunguna ni Police Lt. Ruel Litiratus  kung saan habang tinatangka ni Magno na agawin ang granadang ihahagis ay sumabog ito na kung saan ay namatay ito.

Nabaril naman ng mga kasamahang parak ni Magno ang suspek na siya nitong ikinasawi.

Itinuturing ng mga mamamayan sa Misamis Oriental na bayani si Magno sa ginawa nitong pagsakri-pisyo sa sarili upang iligtas sa pagsabog ang granada na ihahagis ng suspek sa mga estudyante ng Initao College.

vuukle comment

GRANADA

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with