^

Police Metro

3 BIFF todas sa encounter

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng tropa ng militar sa isinagawang surgical operation ang tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao kamakalawa.

Inihayag kahapon ni AFP-Western Mindanao Command (AFP-Westmincom) Spokesman Major John Arvin Encinas na narekober ang bangkay ng mga napatay ng tropa ng Army’s 33rd  Infantry Battalion  at 12 th Special Forces Company sa isinagawang clea­ring operation sa lugar bandang ala-1:00 ng hapon.

Sinabi ni Encinas na nagsagawa ng surgical ope­ration ang Joint Task Force Central laban sa grupo ng BIFF sa ilalim ng paksyon ni Bungos kahapon ng umaga at umabot ng ilang oras ang bakbakan bago nagsitakas ang mga kalaban.

Agad namang nagsagawa ang mga sundalo ng combat clearing operations at nakita ang tatlong bangkay na pawang mga armado ng isang 5.56 MM K2 assault rifle at isang cal. 45 pistol.

vuukle comment

BIFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with