^

Police Metro

3 sasakyan nagkarambola: 1 patay

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa ang patay at isa ang sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Maharlika Highway, Brgy. Sto. Cristo, Sariaya, Quezon kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na namatay habang dinadala sa ospital dahil sa pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang si Pedro Mojica, 67, retiradong opisyal ng municipal government at residente ng Candelaria, Quezon.

Ayon sa ulat, alas-12:20 ng madaling araw habang minamaneho ng biktima ang isang KIA pride patungo sa direksyon ng Lucena City ay bigla itong binangga ng Manila bound na Hyundai Accent (DAE-5735 na minamaneho ni Kim Salubayba, 28 ng Pagbilao, Quezon.

Patungo sa Maynila ang kotse at nag-overtake sa Nissan Urvan. (EAB-935) subalit sumabit ito sa kaliwang side mirror ni Ariel Reyta ng Camarines Sur.

Nawalan ng kontrol sa manibela si Salubayba hanggang sa mag­pa­gewang-­gewang at bumangga sa Kia ng biktima na naipit sa kanyang sasakyan.

Pagkatapos na lapatan ng pangunang lunas si Salubayba ay tumakas ito mula sa ospital na natuklasang walang lisensya sa pagmamaneho at kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to properties.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with