^

Police Metro

Sotto: Tigilan na ang bangayan sa SEA Games!

Malou Escudero - Pang-masa
Sotto: Tigilan na ang bangayan sa SEA Games!
Bukod kay Sotto ay du­marami na ang bilang ng mga Pilipino na nananawagan sa publiko na suportahan ang mga organizer ng SEA Games sa halip na magturo at manisi sa mga problema na dinaranas din naman sa ibang bansa.
The STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senate President Tito Sotto na iwasan na ang mga bangayan sa hindi maiwasang mga aberya sa South East Asian (SEA) Games.

Bukod kay Sotto ay du­marami na ang bilang ng mga Pilipino na nananawagan sa publiko na suportahan ang mga organizer ng SEA Games sa halip na magturo at manisi sa mga problema na dinaranas din naman sa ibang bansa.

Sa inilabas na statement, sinabi ni Sotto na naging atleta rin sa larong bowling noon, na dinanas nila ang mas masaklap na karanasan kung saan sila ay pinabayaan ng host country at kinailangan pa nilang gumastos sa sarili nilang pera para makakain.

Ito ay noong SEA at Asian Games kung saan dala niya at kanyang mga kasama ang bandila ng Pilipinas nang lumaban sila sa bowling noong 1978 Asian Games at 1977, 1978 at 1981 SEA Games kung saan pumapel siyang player o di kaya ay coach.

Idinagdag pa ni Sotto na naging participant din siya sa World Cup 1978 at 1985, at sa President’s Cup.

Maging ang dati at kasalukuyang manlalaro at atleta ay sumang-ayon kay Sotto, anila hindi sila nagpatinag sa mga distraction para manalo sa mga sports event.

Sinabi ni Alejandro Baldo Jr., dating Philippine Azkals U22 team member, sa ibang bansa ay nakakaranas din ng aberya. Nag-shared pa siya ng video sa social media kung saan siya at mga kasama niyang Pilipinong manlalaro ay nagtutulak ng double-decker na bus sa gitna ng kalye nang tumirik ito bago pa man sila maka­balik sa kanilang hotel sa Bangkok, Thailand. 

Ayon naman sa Badminton player na si Anton Cayanan, naalala pa niya ang mga kakulangan o “inadequate food supply” sa kanilang hotel noong 2017 SEA Games sa Malaysia, su­balit naging maayos din naman sa mga sumunod na araw.

Idinagdag pa ni Sotto na maituturing pa ring “too hospitable” at angat ang Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa na napagdausan na ng SEA Games.

Ang mga kontra lamang aniya kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) chairman, Speaker Alan Peter Cayetano ang nagpapalaki ng isyu sa SEA Games.

Idinagdag ni Sotto na dahil uso na ang social media, mas mabilis kumalat ang isyu.

vuukle comment

SEA GAMES

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with