9-anyos bata sa Basilan tinamaan ng polio
MANILA, Philippines — Iniulat ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang ikawalong kaso ng polio sa bansa nang tamaan ang isang 9-anyos na batang babae mula sa Basilan simula nang ibalik ng pamahalaan noong Setyembre ang vaccination drive.
Nabatid na kumuha ng samples sa bata at dinala sa Research Institute for Tropical Medicine at National Institute of Infectious Diseases–Japan para ma-tests kung saan nagpositibo ito sa polio virus.
Hindi raw nakatanggap ng bakuna kontra polio ang bata.
Nakikipag-ugnayan na ang DOH sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao’s Ministry of Health upang i-maximize ang immunization coverage at paigtingin ang polio vaccination efforts sa Basilan.
Kaya’t panawagan ni Duque sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak sa health centers.
Ang polio ay itinuturing na “highly infectious viral disease na target ay bata na posibleng magresulta ng pagkaparalisa at kamatayan.
- Latest