^

Police Metro

Kelot niratrat habang namamalengke

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang 30-anyos na binata matapos lapitan at pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek habang namamalengke sa Brgy. San Ramon sa bayan ng Uson, Masbate kamakalawa ng umaga.

Napuruhan sa katawan ang biktimang kinilalang si Ryan “Nonoy” Dalanon Lacson, residente ng Brgy. San Antonio sa bayan ng Milagros.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga habang namamalengke ang biktima sa talipapa ng barangay nang lapitan ng dalawang hindi nakilalang gunmen at sa hindi malamang dahilan ay bigla itong pinagbabaril.

Agad na duguang bumulagta ang biktima makaraang mapuruhan ng punglo sa katawan habang nagmamadaling tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.

Nakuha ng mga pulis sa lugar ang ilang basyo ng bala ng kalibre .45 baril.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with