ISIS liaison dedo sa engkuwentro
MANILA, Philippines — Napatay ng tropa ng militar ang isang liaison officer ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa naganap na bakbakan sa Brgy. Tanum, Patikul, Sulu nitong Biyernes, ayon sa opisyal kahapon.
Kinilala ni Lt. Col. Gerald Monfort, tagapagsalita ng AFP- Joint Task Force (JTF) Sulu ang napatay na suspek na si Talha Jumsah alyas “Abu Talha”.
Bandang alas -7:15 ng umaga ng i-tip ng ilang mga residente sa elite troops ng 1st Scout Ranger Battalion (SRB) ng JTF Sulu ang presensiya ni Talha sa nasabing lugar .
Agad namang nagresponde ang tropa ng militar at dito’y sinalubong ang mga ito ng pagpapaulan ng bala ni Talha na tumangging sumurender.
Bunga nito, nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig kung saan nasapul ng tama ng bala si Talha na nagtago sa masukal na bahagi ng kagubatan na binawian ng buhay sa insidente.
“Abu Talha is a high-value target of the AFP in Sulu. Accordingly, he is an ISIS-trained IED expert who served as an instructor to the ASG in the fabrication of a more lethal and destructive IEDs that caused tremendous casualties during the suicide bombings in Sulu”, ani Monfort.
- Latest