^

Police Metro

FEU student na ni-recruit para maging NPA rebels, nasagip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang estudyante ng Far Eastern University (FEU) na ni-recruit ng Anakbayan upang sumapi sa organisasyon ng CPP-New People’s Army (NPA) ang matagumpay na nasagip ng mga ope­ratiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa rally sa harapan ng unibersidad sa Morayta sa Maynila.

Sa ulat ni PNP-CIDG Director Police Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel, dakong alas-2:15 ng hapon nitong Huwebes nang masagip ang estudyante ng FEU na kinilalang si Lerevie Caalaman.

Nailigtas ng PNP-CIDG operatives si Lerevie, matapos dumulog sa tanggapan ng PNP-CIDG  ang ina ng biktma na si Gng. Elvie Caalaman na sinabing sumapi ang kaniyang anak sa Anakbayan na front organization ng CPP-NPA na aktibong nag­re-recruit ng mga kabataang estudyante para maging miyembro ng komunistang kilusan.

Sa salaysay ng ginang, nagpahatid ng mensahe sa kaniya ang anak noong gabi ng Nobyembre 20 na sinabing nais na niyang umuwi dahilan sa nahihi­rapan na siya sa pamumundok at sinabi nitong madalas din gamitin ang mga recruits na estudyante sa mga rally upang kondenahin ang pamahalaan.

Ayon sa biktima, ba­baba sila sa Maynila upang lumahok sa rally sa harapan mismo ng FEU kaya dito na ikinasa ang ope­rasyon.

Matapos ang monito­ring at surveillance operation ay itinuro ng ginang sa mga otoridad ang kaniyang anak kaya agad itong ini­ligtas ng mga operatiba buhat sa hanay ng mga rali­yista ng militanteng grupo.

Si Gng. Caalaman ay isa sa mga tumatangis na ina sa mga nawawala nilang estudyanteng anak na ni-recruit umano ng mga mi­­litanteng grupo na ka­alyado ng NPA rebels.

vuukle comment

FEU

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with