^

Police Metro

Misis na OFW inutas ng mister

Joy Cantos - Pang-masa
Misis na OFW inutas ng mister
Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen­ bandang alas-8:50 ng umaga sa kanilang bahay ay biglang duma­ting ang suspek at dito ay nagka­roon ng mainitang pagta­talo ang mag-asawa tung­kol sa kanilang pagsasama.
File

MANILA, Philippines — Inatado ng taga ng isang mister ang kanyang misis na isang overseas Filipino worker (OFW) ma­tapos ang mainitang pagtatalo, kamakalawa sa Brgy. Dumadalig, Tanta­ngan, South Cotabato.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tinamong taga sa iba’t ibang katawan ay nakila­lang si Denelyn Mara, 28, residente ng Purok Kaunlaran, Brgy. Bukaypait  ng nasabing munisipalidad.

Ang suspek na kinasuhan ng parricide ay ang mister nitong si Roel John Mara, 38.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen­ bandang alas-8:50 ng umaga sa kanilang bahay ay biglang duma­ting ang suspek at dito ay nagka­roon ng mainitang pagta­talo ang mag-asawa tung­kol sa kanilang pagsasama.

Lumalabas sa imbes­tigasyon ng pulisya na ma­dalas nag-aaway ang mag-asawa dahil sa pagi­ging seloso ng mister ka­ya’t nais na ng ginang na ito ay hiwalayan.

Sa kalagitnaan nang pagtatalo ay kumuha ng itak ang biktima para takutin ang mister at umalis na sa bahay nang ito ay maagaw ng huli.

Dito ay inundayan ng suspek nang sunud-sunod na taga ang misis hanggang sa duguang bumulagta ka­ya’t tumakas ang una.

Nagawa pang maisugod sa South Cotabato Pro­vincial Hospital ang biktima, subalit ito ay idi­neklarang dead on arrival dahilan sa malalim na sugat na tinamo sa katawan.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with