^

Police Metro

Drug bust: 2 pusher todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang pinaghihinalaang notor­yus na drug pushers habang apat pa ang nasakote nang makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa naganap na magkakahiwalay na drug bust operation sa Tawi-Tawi at Maguinda­nao, kamakalawa.

Kinilala ang dalawang napatay na suspek na sina Odin Masihul, gumagamit ng mga alyas Bedi/Ombak, ng Brgy. Dungon, Pang­lima, Tawi-Tawi at isang alyas Dats ng Brgy. Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguin­danao.

Sa ulat, nagsagawa ng buy bust operation ang Marine Battalion Landing­ Team (MBLT) 6, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Tawi-Tawi at Sapa-Sapa Municipal Police Station sa karagatan ng Brgy. Baldatal Islam  at dito ay nanlaban si Masihul kaya’t napatay.

Sa anti-drug operation naman sa Brgy. Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kamakalawa ng hapon ay napatay din ang drug pusher na si alyas Dats ng tropa ng 9th Infantry Battalion katuwang ang PDEA Bangsamoro.

Nabuwag din ng mga operatiba ang notoryus na drug den sa lugar na nagresulta sa pagkaka­aresto sa apat na drug personalities na sina Abdulnajar Asanol Isarail, Mujahid Misuari Jalas, Rhadzkhomar Pawari La­kibul at Jack Binlo Mag­saysay.

vuukle comment

ODIN MASIHUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with