Nadakip na vape smokers ‘di muna ikukulong – PNP
MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge (OIC) Police Lt. Colonel Archie Gamboa na aarestuhin, subali’t hindi muna ikukulong ang mga mahuhuling gumagamit ng vape at electronic cigarette sa pampublikong lugar.
Ayon kay Gamboa ay tanging ang Executive Order No. 26 na nagbabawal sa pagsisigarilyo sa mga pampublikong lugar ang kanilang tanging pinanghahawakan.
Ipinaliwanag ni Gamboa na kung walang bagong EO laban sa paggamit ng vape at electronic cigarettes ay maaring manghuli ang mga pulis pero hindi mapaparusahan ang mga pasaway na indibidwal.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na ipapa-ban niya ang importasyon ng mga vape at electronic cigarettes dahilan sa peligroso ito sa kalusugan kung saan ay ipinaaresto nito sa PNP ang sinuman na mahuhuling nagbi-vaping.
Binigyang diin ni Gamboa na kahit wala pang bagong EO laban sa paggamit ng vape at electronic cigarettes ay may kapangyarihan ang PNP na manghuli ng mga pasaway na indibidwal dahilan sa binibigyang proteksyon lamang nila ang kalusugan ng publiko.
- Latest