^

Police Metro

Palayan City dinudumog ng International BPO

Pang-masa
Palayan City dinudumog ng International BPO
Nagbigay ng isang inspirational talk si Mayor Rainne Cuevas sa mga aplikante ng Sutherland Corp., sa Palayan­ City bago sila sumabak sa actual interview.

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-unlad ng Palayan City, Nueva Ecija dahil sa pagdumog ngayon ng iba’t ibang foreign firm at International Business Process Outsourcing (BPO).

Ang pagdami ng mga dayuhang kumpanya sa Palayan ay dahil na rin sa walang trapik, maganda, maaliwalas, tahimik, kumpleto sa accommodation, mura, sariwa at masarap ang mga bilihing pagkain.

Kamakailan ay winelcome ni Palayan City Ma­yor Rainne Cuevas ang mga opisyal ng Sutherland Corp., isang Global Process Transformation Company na may 20,000 empleyado.

Ayon kay Mayor Cuevas, taos pusong nagpapa­salamat ang mga mamamayan ng Palayan City dahil napili ng mga dayuhang kumpanya ang kanilang lugar para sa kanilang “Global Operation”.

“Malaking-malaking tulong po ito sa aming employment, hindi lang dito sa Palayan City maging sa buong Nueva Ecija,” wika ni Mayor Cuevas.

Sa kasalukuyan ay may tatlong international BPO na sa Palayan City, kabilang na ang Beeman Solutions Inc., at ang isang sikat na online shopping sa Amerika.

Nasa mahigit na 1,000 Novo Ecijanos ang nagtatrabaho bilang call center agents sa business hub ng Palayan City  na naitayo sa administrasyon lamang ni Mayor Cuevas.

Idinagdag pa ni Mayor Cuevas sa susunod na taon ay mahigit sa 2,000 empleyado pa ang kakaila­nganin ng mga naturang kumpanya.

vuukle comment

INTERNATIONAL BUSINESS PROCESS OUTSOURCING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with