^

Police Metro

DOH minomonitor ang 3 kaso ng polio sa Mindanao

Doris Franche-Borja - Pang-masa
DOH minomonitor ang 3 kaso ng polio sa Mindanao
Iniulat din niya na sa pinakahuling datos ng DOH ay nasa apat na ang confirmed cases ng polio sa buong bansa.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kasalukuyang minomonitor ng Department of Health (DOH) ang tatlong bagong kaso ng polio sa Mindanao.

Ito ang sinabi ni De­partment of Health (DOH) Undersecretary at Spokesperson Eric Domingo at hihintayin pa muna nila ang resulta ng pagsusuri sa tatlong suspected polio cases bago magbigay ng karagdagang detalye sa publiko.

Iniulat din niya na sa pinakahuling datos ng DOH ay nasa apat na ang confirmed cases ng polio sa buong bansa.

Tiniyak din ni Domingo na tuluy-tuloy ang immunization program ng DOH, hindi lamang sa Mindanao kung saan may mga kumpirmadong kaso ng polio, kundi sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

Nakatakda ang ikalawang bugso ng immunization o Sabayang Patak Kontra Polio sa Metro Manila at Mindanao.

Umapela muli si Domingo sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang makaiwas sa mga sakit, gaya ng polio.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with