Bello kinasuhan ng graft sa PACC
MANILA, Philippines — Dahil umano sa mga biyaheng hindi kailangan at hindi nakakatulong sa mga Pinoy kung kaya’t sinampahan ng kasong administratibo ng Solidarity for Sovereignty sa Presidential Anti Crime and Corruption (PACC) si Labor Secretary Silvestre Bello III.
Sinabi ni Adolfo Paglinawan ng Solidarity for Sovereignty at dating Labor Attache, grave misconduct at serious dishonesty ang kanilang ikinaso kay Bello na nagsinungaling nang sabihin nito na alam ng Pangulong Duterte ang kanyang mga pagbiyahe.
Nagbiyahe si Bello sa Geneva, Switzerland para umano sa pagtitipon ng International Labor Organization, subalit lumihis upang makipagkita sa lider ng CPP-NPA Jose Maria Sison sa kabila ng pagbabawal ng pamahalaan.
Ang mga biyahe ni Bello ay nakasaad umano sa Immigration Record.
- Latest