^

Police Metro

4 parak dinakip sa ‘hulidap’

Victor Martin - Pang-masa
4 parak dinakip sa �hulidap�
Ayon kay P/Brig. Gen. Angelito Casimiro, police regional director ng Caga­yan Valley, ang apat na pulis na kinabibilangan ng 2 sarhento mula sa Gattaran PNP, 1 corporal at 1 patrolman na kapwa nakatalaga naman sa 203rd Regional Mobile Force Battalion 2 ay posibleng ma-demote, masuspinde o matanggal sa serbisyo kung mapatunayang guilty sa kinasasangkutang kaso.
File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga pulis ang apat nilang kabaro nang mahuli ang mga ito na nagsasagawa ng ‘hulidap’ sa bayan ng Gattaran, Cagayan, kamakalawa.

Pansamantala munang hindi pinangalanan ang apat na pulis habang hindi pa nasasampahan ng kaso.

Ang mga ito ay mahaharap sa kasong criminal na may kaugnayan sa carnapping, robbery at pagtatanim ng ebidensya at kasong administratibo dahil naman sa grave misconduct.

Ayon kay P/Brig. Gen. Angelito Casimiro, police regional director ng Caga­yan Valley, ang apat na pulis na kinabibilangan ng 2 sarhento mula sa Gattaran PNP, 1 corporal at 1 patrolman na kapwa nakatalaga naman sa 203rd Regional Mobile Force Battalion 2 ay posibleng ma-demote, masuspinde o matanggal sa serbisyo kung mapatunayang guilty sa kinasasangkutang kaso.

Napag-alaman na nagsagawa ng operasyon ang mga nasabing pulis laban sa isang opisyal ng Barangay sa bayan ng Gattaran kamakailan, subalit hindi umano idineklara ng 4 na mga pulis ang kanilang mga nakuhang kagamitan at pera mula sa kanilang target.

vuukle comment

ROBBERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with