36 Hapones na scammer, dinakip
MANILA, Philippines — Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa isang hotel sa Makati City ang tatlumpu’t anim na Hapones na umano’y sangkot sa telecommunications scam, kamakalawa.
Nabatid na nakatanggap ang BI ng tawag mula sa gobyerno ng Japan na isang Nobuki Oshita, 20 at Yusuke Kiya, 33 ay may standing warrant of arrest sa kasong theft sa Japan dahilan para maglabas ng mission order ang bureau laban sa dalawa.
Sa nasabing operasyon, 34 iba pang Hapones ang naaresto dahil sa pagkakasangkot naman sa voice phishing operations.
Nang beripikahin ang pagkatao ng mga naaresto ay napag-alaman na ang mga ito ay pawang mga miyembro ng organized crime group na sangkot sa telecom fraud at extortion na nakapambiktima na ng halos 1,393 Hapones at nakakulimbat na ng 2 bilyong yen.
- Latest