^

Police Metro

3 rider patay sa road accident

Cristina Timbang, Mer Layson, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong motorcycle rider ang nasawi sa magkakahiwalay na aksidente sa kalsada sa Valen­zuela City, Caloocan City at Dasmariñas City, Cavite.

Namatay sa semplang ang rider na si Jan Marcus Francisco, 23, kahapon ng alas-12:45 ng mada­ling araw sa kahabaan ng M.H. Del Pilar, Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City.

Sa ulat, binabagtas ni Francisco ang kalsada ga­ling sa Malabon patungo sa Brgy. Polo sakay ng kaniyang Nmax type scooter nang biglang mawalan ng kontrol at sumemplang.

Tumilapon sa scooter si Francisco at bumagsak sa bakal na poste sanhi para magtamo siya ng matinding pinsala sa ulo at katawan na dahilan ng kaniyang pagkasawi.
Patay din ang rider na si Fitch Burch Dela Cruz, 32, nang mabangga at magulungan pa ng isang pampasaherong bus habang binabagtas ang kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng alas-6:15 ng umaga.

Sakay ang biktima ng kanyang Yamaha motorcylcle na may plakang KZ-7371 nang mabangga ng Golden Dragon bus na biyaheng Fairview, dahilan para sumemplang ito at nagulungan ng bus.

Sa Molino-Paliparan Road, Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite ay nasawi ang rider na si Virgilio Felipe Jr., 26, habang nasa malubhang ka­lagayan ang angkas nitong si Benjamin Roldan, 32 nang sila ay masalpok ng isang van na minamaneho ni David Mambanon Jr., 45, residente ng Blk. 24, Lot 17, Teacher’s Village, Brgy. San Gabriel, GMA, Cavite.

Nabatid na kapwa mabilis ang takbo ng dala­wang sasakyan at nang mapadaan na sa pakurbang kalsada ay kapwa hindi sila nakapagmenor kaya’t nagsalpukan.

vuukle comment

AKSIDENTE SA KALSADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with