^

Police Metro

Singil sa kuryente tataas, dagdag-bawas sa petrolyo

Danilo Garcia - Pang-masa
Singil sa kuryente tataas, dagdag-bawas sa petrolyo
Aabot sa P.85 sentimos kada litro ang itataas ng Caltex at Petron habang mas maliit ng bahag­ya na P.80 sentimos kada litro naman ang itataas ng Pilipinas Shell.

MANILA, Philippines — Nakatakdang magpatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-bawas sa gasolina, diesel at kerosene habang nakatakdang magtaas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.

Ngayong Martes ng umaga ay isasagawa ang lingguhang price adjustment ng “big 3” oil companies.

Aabot sa P.85 sentimos kada litro ang itataas ng  Caltex at Petron habang mas maliit ng bahag­ya na P.80 sentimos kada litro naman ang itataas ng Pilipinas Shell. 

Pero, magro-rolbak rin ang tatlong kumpanya ng P.15 sentimos sa kada litro ng diesel at P.10 sentimos sa kerosene. 

Sasabay sa kanila ang mas maliliit na oil companies kabilang ang Petro Gazz na may dagdag sa gasolina ng P.80 sentimos at rolbak na P.15 sentimos sa diesel habang ang Phoenix Petroleum ay P.85 sentimos na dagdag sa gasolina at P.15 sentimos na rolbak rin sa diesel ang gagawin.  

Magrorolbak naman ang Cleanfuel sa kanilang produktong Auto LPG ng P.30 sentimos kada litro.

Tinatayang nasa P.47 sentimos kada kilowatt­hour ang itataas sa bill ngayong Nobyembre ng Meralco.

Ang mga komukonsumo ng 200kwh kada buwan ay madadagdagan ng P94 ang kanilang babayaran, P141 dagdag sa mga may konsumo ng 300kwh, P188 sa 400kwh at P235 sa may mga konsumo ng 500kwh.

vuukle comment

MANILA ELECTRIC COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with