^

Police Metro

ACT-CIS, ibinunyag ang anomalya sa pagkuha ng passport

Pang-masa
ACT-CIS, ibinunyag ang anomalya sa pagkuha ng passport
Base sa batas, kaila­ngan 21 years old ang isang OFW para makapasok at makapagtrabaho sa Saudi Arabia.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Matapos mabisto ang anomalya sa pagkuha ng pasaporte nang masagip ang isang OFW sa Saudi Arabia na gumamit ng pekeng birth certificate ay nanawagan si ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap kay Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teddy ‘Boy’Locsin na imbestigahan ang natuklasan nilang anomalya sa pag-iisyu ng passport gamit ang mga pekeng birth certificate at NBI clearance.

Nabisto ni Cong. Yap ang nasabing anomalya matapos ma-rescue ang isang OFW sa Saudi Arabia kamakailan na gumamit ng pekeng birth certificate.

“Pinalitaw na 21 years old na ang OFW, gayung 20 years old pa lamang pero nakalusot siya at nabigyan ng passport ng DFA,” ani Cong. Yap.

Base sa batas, kaila­ngan 21 years old ang isang OFW para makapasok at makapagtrabaho sa Saudi Arabia.

“Deliberately pineke ang kanyang edad ng kanyang agency para makapunta ng Saudi, pero bakit nakalusot sa DFA?” tanong ng bagitong Congressman.

Naniniwala si Cong. Yap na may sindikato sa DFA na nalalapitan o nababayaran ng mga tiwaling agency para ma­kakuha ng passport ang kanilang nare-recruit.

Lumapit sa ACT-CIS ang mga magulang ng OFW dahil muntik ng ma-rape, hindi pinapa­kain at hindi binibigyan ng pahinga  ang kanilang anak ng kanyang among Arabo.

Nakipag-ugnayan ang ACT-CIS sa Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) para masundo ang nasabing OFW sa bahay ng kanyang amo.

Nakauwi na ng bansa at sa kanilang probinsiya sa Compostela Valley sa Mindanao ang naturang OFW sa tulong ng ACT-CIS.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with