^

Police Metro

368 pulis ipapadala sa Bilibid

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pang-masa
368 pulis ipapadala sa Bilibid
Pinamunuan kahapon ni NCRPO acting Director PBrigGen Debold Sinas ang ‘send-off ce­remony’ sa 368 tauhan ng Regional Mobile Force Battalion para magbantay partikular sa Maximum Security Compound ng NBP.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sa kabila ng kontro­bersiya ng pagpupuslit ng ilang tauhan ng National Capital Regional Police (NCRPO) sa New Bilibid Prison (NBP) ay tuloy ang pagtatalaga ng kanilang mga tauhan para magsilbing bantay.

Pinamunuan kahapon ni NCRPO acting Director PBrigGen Debold Sinas ang ‘send-off ce­remony’ sa 368 tauhan ng Regional Mobile Force Battalion para magbantay partikular sa Maximum Security Compound ng NBP.

Matatandaan na nasa 400 tauhan ng RMFB ang pinull-out ni Sinas buhat sa pagbabantay sa mga istasyon ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit dahil sa hindi umano trabaho ng naturang mga uri ng pulis ang pagbabantay sa mga istasyon.

Upang hindi na maulit ang insidente ng pagpupuslit ng dalawang pulis ng alak at tabako habang nasa 14 pa ang inim­bestigahan sa pagbibitbit ng cellular phones ay mahigpit ang tagubilin ni Sinas sa mga panuntunan sa pagbabantay sa bilangguan.

Kabilang dito ang hindi pagdadala ng anumang cellphone o iba pang gadgets habang nakatalaga sa NBP, pagsusuot ng tamang uniporme, accounting ng mga tauhan bago ang deployment, at operational shifting sa pagitan ng alas-6:00 ng umaga at alas-6 ng gabi.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with