VP Robredo hayaang magtrabaho - Palasyo
MANILA, Philippines — Nanawagan sa lahat ang Malacañang na bigyan nang pagkakataon si Vice President Leni Robredo na magampanam ang kanyang trabaho bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, dapat bigyan ng “space” si Robredo at huwag intrigahin.
“We call on everybody to give VP Leni space, allow her to perform her assigned task and not to create roadblocks and imagined conflicts, pitting her against her fellow workers of government by way of intrigues, as well as wild and off-tangent speculations engineered by the usual suspects,” ani Panelo.
Idinagdag din ni Panelo na dapat bigyan ang bise presidente ng malawak na espasyo sa paglalatag ng kanyang sariling anti-illegal drug scheme na sa tingin nito ay epektibong makakatugon sa problema ng ilegal na droga.
Ayon pa kay Panelo, natutuwa sila na bukas si Robredo sa suggestion nila na tingnan din ang anumang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi naman maglalagay sa kanyang buhay sa panganib.
Naniniwala si Panelo na posibleng magkaroon ng reassessment si Robredo sa mga nakaraang posisyon niya sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga kung makikita nito ang aktuwal na ginagawa ng PDEA
Nauna rito, sinabi bi Robredo na maaaring magtagumpay ang kampanya laban sa ilegal na droga kahit walang patayan.
- Latest