^

Police Metro

Holdaper utas sa barilan

Mer Layson - Pang-masa
Holdaper utas sa barilan
Sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-2:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Amang Rodriguez Ave., sa Brgy, Manggahan.
File

MANILA, Philippines — Bulagta ang isa sa tandem na holdaper nang mabaril ng mga rumespondeng pulis, matapos holdapin ang isang call center agent sa Brgy, Manggahan, Pasig City kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan sa nasawing suspek, habang nakatakas naman ang kanyang kasabwat.

Sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-2:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Amang Rodriguez Ave., sa Brgy, Manggahan.

Nauna rito, naglalakad sa lugar ang biktimang si Ritchell Pontillano, 30, isang call center agent, kasama ang kanyang dalawang anak nang bigla na lang silang hintuan ng mga suspek, na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Tinutukan umano ng baril ng mga suspek ang mag-iina at saka nagdeklara ng holdap. Hindi naman nasiraan ng loob ang biktima at kaagad na nagsisigaw at humingi ng tulong sa mga nagdaraang motorista.

Nataranta naman ang mga suspek kaya’t mabilis nang tumakas ang mga ito habang nagtungo ang mag-iina sa tanggapan ng Police Community Precinct 7 (PCP7) at nagsumbong sa mga pulis.

Hinabol ng mga awtoridad ang tumatakas na mga suspek ngunit sa halip na sumuko ay nanlaban ang mga ito na nauwi sa palitan ng putok, hanggang sa tamaan ang suspek na nagmamaneho ng motosiklo kaya’t sumemplang ang mga ito. Mabilis namang kumaripas ng takbo ang backrider nito.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with