^

Police Metro

Radio brodkaster patay sa ambush

Joy Cantos, Rudy Andal - Pang-masa
Radio brodkaster patay sa ambush
Ang biktimang nasawi ay kinilalang si Dindo Generoso, radio brodkaster sa DYEM 96.7 BI Radio.
File

MANILA, Philippines — Isang radio broadcaster­ ang nasawi nang pagba­barilin ng hindi pa nakila­lang nag-iisang sus­pek sa naganap na ambush, kahapon ng umaga sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Ang biktimang nasawi ay kinilalang si Dindo Generoso, radio brodkaster sa DYEM 96.7 BI Radio.

Sa ulat, bago nangyari ang pananambang sa biktima, alas-7:30 ng umaga sa kahabaan ng Hibbard Avenue, Brgy. Piapi ay kasalukuyang minama­neho nito ang kanyang kotse nang biglang sumul­pot ang gunman at pagbaba­rilin ito.

Papasok sana sa kanyang trabaho para sa kanyang programa sa radio station DyEM 96.7 Bai Radio nang mangyari ang krimen.

Kinondena naman ng Malacañang ang paniba­gong atake sa hanay ng media at sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na iniutos na mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon sa pagpaslang kay Generoso na block-timer sa radio station DyEM Bai Radio sa Dumaguete City.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with