^

Police Metro

Opisina ng militanteng grupo ni-raid: 3 aktibista inaresto

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng otoridad ang tatlong aktibista nang salakayin ang tanggapan ng militanteng grupong Bayan, kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Ang mga inaresto ay kinilalang sina Ram Carlo Paculba Bautista, Manila Campaign Director ng Bayan; Alma Estrada Moran, secretariat ng Manila Workers Unity, at Reina Mae Asis Nasino na Manila Coordinator naman ng Kadamay.

Ang tatlo ay binitbit matapos na salakayin ng mga otoridad, ala-1:15 ng madaling araw ang opisina ng grupong Bayan sa 672 Flora Street, kanto ng Clemente Street sa Tondo sa bisa ng  search warrant no. 5945 (19) sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at SW # 5944 (19) sa kasong paglabag sa RA 9516 (Illegal possession of explosives) na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court Judge Cecilyn E. Burgos-Villavert, ng Branch 89.

Nadiskubre ng mga pulis ang ilang sandata na kinabibilangan ng isang bushmaster caliber 5.56 xm15-E26 with serial number (SN) L098028; dalawang short magazine for cal. 5.56 mm; 45 pirasong live ammo for caliber 5.56 mm; isang colt MK4 Series 80 caliber 45 with SN 772535; isang magazine para sa caliber 45; walong bala para sa caliber 45; isang colt automatic caliber 45 na may SN 753234; isang magazine para sa kalibre 45; walong bala para sa kalibre 45; at dalawang hand grenade.

Kinondena ng grupong Karapatan ang mala ‘Ges­tapo-like raid’ na isinagawa sa tanggapan ng Bayan, gayundin ang pag-aresto sa tatlo nilang kasamahan.

Inakusahan ng grupo na pawang itinanim ang mga ebidensiya na nakuha sa tanggapan na may layuning patahimikin sila sa kanilang ginagawang pagkondena sa mga maling ginagawa ng pamahalaan.

vuukle comment

RAM CARLO PACULBA BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with