^

Police Metro

Senado inaprubahan ang bigas palit cash

Malou Escudero - Pang-masa
Senado inaprubahan ang bigas palit cash
Sa resolusyon, papahintulutan ang Department of Social Welfare and Development at National Food Authority (NFA) na mamili ng palay sa mga lokal na magsasaka mula sa iba’t ibang probinsiya ng bansa na ipamamahagi ang bigas sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Pumasa na sa Senado ang resolusyon na naglalayong palitan ng bigas ang cash na tinatanggap ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa resolusyon, papahintulutan ang Department of Social Welfare and Development at National Food Authority (NFA) na mamili ng palay sa mga lokal na magsasaka mula sa iba’t ibang probinsiya ng bansa na ipamamahagi ang bigas sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Partikular na tinukoy ang mga probinsiya ng Pangasinan, Ilocos Norte, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Mindoro Oriental, Mindoro Occidental, Tarlac, Nueva Ecija, Zamboanga del Sur at Iloilo kung saan bibilhin ang mga lokal na palay.

Ang mga benepisyaryo ng 4Ps program ay nakakatanggap ng P600 rice subsidy kada buwan.

Isinulong ng mga mambabatas na bigas ang ibigay sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa halip na cash bilang tulong sa mga magsasaka na naapektuhan nang pagbaha ng imported na bigas sa merkado dahil sa Rice Tarrification Law.

vuukle comment

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with