^

Police Metro

Opisyal ng DOLE patay sa ambush

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang babaing opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos pagbabarilin kahapon ng hapon sa naganap na ambush sa Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Helen Dacanay, 55, Senior Labor and Employment Officer sa DOLE habang mabilis namang tumakas ang mga salarin.

Sa ulat, ng pulisya, bago nangyari ang insidente, alas-5:30 ng hapon sa Malvar St., kanto ng Benitez St., Singalong ay sakay ang biktima ng kanyang sasakyan nang tambangan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Nasugatan din sa loob ng sasakyan ng biktima ang mga kasamang sina Atty. Agatha Anne Daquigan, DOLE NLRC Arbiter at driver na si Vincent Vergara.

Kinondena naman ni Labor Secretary Silvestre Bello ang pamamaslang kay Dacanay kasabay ng pahayag na gawain ito ng isang duwag.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga pulis sa mga kalapit na establisimyento upang malaman kung may mga CCTV na maaaring makatulong sa imbestigasyon.

vuukle comment

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with