^

Police Metro

Pusher tiklo sa baril at droga

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ang nasakote ng mga otoridad matapos makumpiskahan ng baril at shabu na halos nasa P.7-milyon ang halaga habang nanonood ng isang laro ng basketball sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Major Timothy Aniway Jr., hepe ng District Special Operations Unit, ang nadakip na si Saude Monti, 31, binata, walang trabaho at nakatira sa Unit 3rd Flr., Bldg. 11 MRH 4, Pabahay, Sta. Rita St., Brgy. 188 Tala, ng naturang lungsod.

Sa ulat, nagsasagawa ang mga pulis ng ‘surveillance operation’ sa Sta. Rita St, Brgy. 188 dakong alas-6:30 ng gabi dahil sa hinahanap nila ang Top 3 Most Wanted Person ng NPD.

Nang mapadaan sa isang basketball court, dito nila napansin ang isang miron na may nakausli na baril sa kanyang tagiliran. Maingat na nilapitan ng mga pulis ang suspek na wala nang nagawa nang mapaligiran siya.

Bukod sa kalibre .38 baril na may dalawang bala, nadiskubre sa po­sesyon ng suspek ang da­lawang malaking plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. May timbang itong 100.46 gramo at may street ­value na P684,000.

vuukle comment

PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with