^

Police Metro

4 pulis na nagpasok ng alak at yosi sa Bilibid, kakasuhan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na pulis ang kakasuhan ng administratibo na maaaring magresulta sa pagkakatanggal sa serbisyo dahil sa umano’y pagsasabwatan para magpasok ng alak at tabako sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi ni National Capital Regional Police Office acting Director Police Brig. Gen. Debold Sinas na kasong “grave misconduct” ang kanilang isasampa sa apat na pulis na hindi muna pinangalanan na may ranggo ang isa na Staff Sergeant at ang tatlo ay Corporal.

Kung mapapatuna­yang nagkasala ang mga pulis ay ‘dismissal’ sa PNP, ang ‘medium penalty’ ay demosyon ng isang ranggo at ang ‘minimum penalty’ ay suspensyon ng dalawa hanggang anim na buwan.

Dinisarmahan na ang apat na pulis at nasa kustodiya na ng NCRPO Personnel Holding and Accounting Unit.

vuukle comment

NBP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with