^

Police Metro

Paslit todas sa nalunok na lollipop

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 2-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos malunok nito ang lollipop candy sa loob ng bahay ng isang jeepney driver sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si alyas “Peter”, nakatira sa Brgy. Malibay, ng naturang lungsod.  Unang inaresto ng mga pulis ang driver na itinago sa alyas na “Jun”, 28, binata, at nakatira rin sa naturang barangay, makaraang unang paghinalaan na may ginawa siyang foul play sa paslit.

Sa ulat, bago naganap ang insidente, alas-7:00 ng gabi sa tapat ng bahay ni alyas Jun ay nagtungo ang paslit para maglaro at humingi ng tulong para buksan ang isang lollipop.

Nang matanggal ang papel ng lollipop ay natulog na sa kanyang kuwarto si alyas Jun at nagulat na lamang siya nang mag-iiyak ang ina ng bata at inakusahan siya na may ginawang masama sa bata.

Inakusahan ang suspek na ginahasa ang bata at nang isailalim sa otopsiya ang bangkay ng paslit ay nadiskubre na buo pa ang lollipop candy na nagbara sa lalamunan at hinihinalang dahilan ng pagkasawi nito.

vuukle comment

BABY

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with