^

Police Metro

2 Skyway traffic enforcer binaril ng sinitang nakamotor

Danilo Garcia - Pang-masa
2 Skyway traffic enforcer binaril ng sinitang nakamotor
Ang dalawang biktima na kritikal ang ka­lagayan sa Parañaque Doctor’s Hospital ay kinilalang sina Rexie Talingdan, 30, ng Upper Bicutan, Taguig City at Ronnie Delos Santos, 46, binata, ng Rosal Street, Marimar Village 1, Brgy. Sun Valley, Parañaque City.
File

MANILA, Philippines — Dalawang traffic enforcer ang pinagbabaril ng isang motorcycle rider na kanilang sinita dahil sa pagpasok sa Skyway lulan ng isang motorsiklo na hindi pinapayagan na pumasok, naganap kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Ang dalawang biktima na kritikal ang ka­lagayan sa Parañaque Doctor’s Hospital ay kinilalang sina Rexie Talingdan, 30, ng Upper Bicutan, Taguig City at Ronnie Delos Santos, 46, binata, ng Rosal Street, Marimar Village 1, Brgy. Sun Valley, Parañaque City.

Inaalam pa ng mga otoridad ang tumakas na suspek na nakasuot ng berdeng jacket at pulang half-face helmet lulan ng isang itim na TMX motorcycle na hindi naplakahan.

Sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi sa southbound ng Skyway sa may KM13 sa Brgy. Sun Valley ay pumasok sa Skyway ang isang rider lulan ng isang TMX motorcycle na ipinagbaba­wal dahil sa panuntunan na mga motorsiklong mula 400cc pataas lamang ang maaa­ring makapasok.

Sinundan ang suspek ng biktimang si Talingdan lulan ng kaniyang motorsiklo at pinatatabi ito ngunit sa halip na sumunod ay pinaharurot pa ang kanyang motorsiklo. 

Sumaklolo kay Ta­lingdan ang kapwa enforcer na si Delos Santos hanggang sa makorner nila ang suspek parte ng “road merger” patungo sa NAIA.

Nagkabanggaan ang suspek at ang motorsiklo ng biktimang si Delos Santos at nang lalapitan na ni Talingdan ay binaril ito ng suspek.

Pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo at nagawang makalabas sa may Bicutan Skyway exit.

vuukle comment

BARIL

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with