^

Police Metro

PDEA lilinisin ang 18K barangay sa droga

Mer Layson - Pang-masa
PDEA lilinisin ang 18K barangay sa droga
Sinabi ni Aquino na sa 18,712 barangays ay 7,817 ang itinuturing na ‘slightly affected’ ng ilegal na droga; 10,616 ang ‘moderately affected’ habang 279 barangays ang itinuturing na ‘seriously affected.’
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Mahigit 18,000 barangay sa buong bansa ang target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na linisin mula sa proliperasyon ng ilegal na droga.

Inamin ni PDEA Director General Aaron Aquino na 44.5 porsiyento ng 42,045 barangay sa buong bansa ang nananatiling mayroon pa ring problema sa ipinagbabawal na gamot kaya’t desidido silang masolusyunan ang naturang problema.

Sinabi ni Aquino na sa 18,712 barangays ay 7,817 ang itinuturing na ‘slightly affected’ ng ilegal na droga; 10,616 ang ‘moderately affected’ habang 279 barangays ang itinuturing na ‘seriously affected.’

Anang PDEA, kinaklasipika ang barangay bilang ‘slightly affected’ kung may iniulat na presensiya ng drug users­ doon, habang ‘moderately-affected­’ naman ang barangay kung may pre­sensya ng drug pushers at users.

Itinuturing namang ‘seriously affec­ted’ naman ang barangay kung may iniulat na presensiya ng clandestine drug laboratory, warehouse, marijuana plantation, drug den, drug trafficking o smuggling activities, at drug personalities, gaya ng users, pushers, financiers, protectors, cultivators, at manufactu­rers ng ilegal na droga.

Ang Metro Manila ang may pinakamataas na rate ng barangay na apek­tado ng narcotics, na may 72%, na sinun­dan naman ng Central Visayas na may 72.4% naman.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with