^

Police Metro

17-anyos na trike driver pinatay sa simbahan

Omar Padilla - Philstar.com

MANILA, Philippines — Namatay sa loob ng pinapasadang tricycle ang isang 17-anyos na binatilyo nang pagbabarilin ng limang beses habang naghihintay ng pasahero sa tapat ng isang simbahan, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion, Pandi, Bulacan.

Ang nasawing biktima na may sakit na epileptic ay kinilalang si John Paul Bonifacio, residente ng Brgy. Malibung Matanda.

Sa ulat, alas-8:00 ng umaga ay nakaparada ang tricycle ng biktima na naghihintay ng pasahero sa tapat ng simbahan nang biglang dumating ang isang puting kotse na Mitsubishi at walang kaabog-abog na pinagbabaril ito ng driver.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis namang tumakas ang suspek sa direksyon ng bayan ng Sta. Maria.

Sa salaysay ng ina ng biktima na si Mercedita Dela Cruz sa pulis na bago nangyari ang pamamaril ay may nakagitgitan ang kanyang anak na puting kotse sa kalsada.

Nakikiusap naman siya sa isang babaeng testigo na lumutang at ipagbigay-alam sa kapangyarihan ang mga nalalamang impormasyon para ikadarakip ng suspek.

vuukle comment

PAGBABARILIN NG LIMANG BESES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with