^

Police Metro

74-anyos na lolo, timbog sa P1 milyon shabu

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad sa isang drug buy-bust operation ang isang 74-anyos na lolo at nakumpiska ang nasa P1 milyon halaga ng shabu, kamakalawa sa Caloocan City.

Kinilala ang naarestong suspek na si Rosevelito Alcober, alyas “Bossing, jobless, at nakatira sa Phase 4, Package 4, Block 29, Lot 2, Brgy. 176 Bagong Silang, ng lungsod.

Sa ulat, alas-11:25 ng umaga nang ikasa ng pulisya, ang buy-bust operation laban kay Alcober at nagkasundo na magkikita sa may Moonflower St., Phase III,BF Homes Subdivision, Brgy. 168 Deparo para bumili ng P75,000 halaga ng shabu. 

Nang tanggapin ng suspek ang tatlong tig-P1,000 marked money na may kasamang 72 pirasong boodle money ay doon na ito inaresto ng mga nakatagong pulis.

Nakumpiska sa suspek ang isang “knot-tied ice bag” na naglalaman ng tinatayang 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1 milyong piso.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with